kwento ng isang ordinaryong tao.
maraming bagay pa ang dapat tuklasin, intindihin.. saksihan ang normal na buhay ng isang batang walang magawa sa buhay, ngunit sa kabila ng lahat ay nananatiling masaya..


Monday, December 28, 2009
oh hello again. PART II

magandang tangali. andito ako para ituloy kwento ko. pero wala talaga ako sa mood magkwento pero gusto kong magkwento. san ba ko tumigil.? *kinuha ang mouse. kinlick ang http://tein.blogdrive.com* ah.. sa first year. osige. pumunta tayo sa bakasyon.

SUMMER VACATION, BEFORE SECOND YEAR - *drumroll*

nakakatakot. nakakatakot ang cutoff. nakakahiwa talaga sia. pero wala talaga akong pakialam kung makakapasa ako sa second year o hinde. isang bagay lan naman talaga ang pumipigil sakin para umalis, sempre, nakakahiya narin kung ndi ako makakapasa, hello. pero, alam ko, deep inside, ayaw ko na.. well, nung nakita ko ung pangalan ko, magkakahalong emosyon ang naramdaman ko. yes. saved na ang ego ko. pero akp mismo. kasi, i'm trapped.

SECOND YEAR COLLEGE - teden.!

ayan. hello second year. everyones unfamiliar again. biruin mo un, naputol pa sakin un section namin. parang isang tao nalan makakasama ko na un friend ko eh. napakasaklap. pero mula nang nakilala ko ang unang taong nakilala ko sa section namin, okay lan, kasi sia, sakanya naputol un section namin.! so diba, mas sawing-palad un. noon. pero mula nang nagsama-sama kami, okay lan. nagiba ang paningin ko sa buhay.


Posted at 1:05:42 pm by kriech
may sasabihin ka? dito oh.  

Sunday, December 27, 2009
oh, yes, i'm back.

tatlong taon na halos ang nakalilipas nung huli akong nagsulat. hindi ko talaga alam kung ano ang nagtulak sakin para bumalik pero siguro alam ko narin. nagiisip akong bumalik dito. napaisip ako kung pipiliin ko ang bago o mananatili ako rito. pinili ko dito. marahil dahil sa ito talaga ako. parte na ng pagkatao ko ang mga nakalagay dito. bakit pa ako lalayo.

tatlong taon na ang nakalilipas. masyadong marami na ang nagbago. kahit sa'kin, alam kong marami nang nagiba sa sarili ko. may mga panahon nga na naguguluhan na rin ako kung sino na ba talaga ako. sa buhay, hindi naman maiiwasan na maikabit mo sa mga taong malalapit sa'yo ang parte ng sarili mo. kaya hindi rin maiiwasan na kung mawala sila sa scene ng buhay mo, eh, madala nila un parteng un mo. pero may mga taong sadyang hindi mo rin maiwasan talaga na ikabit sa kanila ang parteng un. marahil dahil sadyang pinaglalapit kayo ng pagkakaton, o dahil talagang pinili mo. anu man sa dalawa, mahirap parin ang kinahihinatnan..

tatlong taon na ang nakalilipas. naging pinakamasaya na ang naramdaman ko. naging pinakamalungkot. sa tatlong taon na nawala ako, napunta ako sa mundo na kahit sarili ko, estranghero. maraming bago. mahirap sumakay. kahit papano, kinaya ko. pero. ndi naman madali.

bakit kaya, ndi ko ikwento un tatlong taon ano.?

mula ng huli kong sulat dito.

4TH YEAR HIGH SCHOOL GRADUATION - MAPAIT NA LARAWANG KUPAS

*change mood: happy*

haha. wala akong maalala masyado sa graduation namin kundi masama ang loob ko dahil wala ako sa kumpletong picture ng tm. hanggang ngeon, naghihinanakit parin ako sa pagkakataon kasi ang sama-sama nia. hindi to alam ng TM. ahaha.! malalaman nio lan kapag nabasa nio to. :p kun mababasa nio. graduation un eh. pero, kasalanan ko rin. nagbihis ako agad sa grad ball eh.

SUMMER VACATION AFTER FOURTH YEAR - TO BE OR NOT TO BE

ndi ako makadecide kung magnnursing ba ako, o magbbio. aantayin ko pa ba ang reconsideration ko or mageenrol. nakakatawa. kasi, sobrang hinayaan ko nalan un pagkakataon na magdecide para sakin. ibig sabihin, nagdesisyon ako, kun ano un convinient. kung ano un sure. kea eto. pinasok ko ang mundong, hindi talaga pamilyar sakin.

FIRST YEAR COLLEGE - HELLO

hello talaga. hello real world. mahirap humarap sa mundo na bago. un tipong para kang piraso ng alien na inilagay sa gitna ng kung anu mang planetang hindi mo kaanu-ano. napakamagkakahalo ng nararamdaman ko. sempre, nakakasabik sa una. parang, "yes, independence, here i come." at tutal, un naman talaga gusto ko, magsarili, o ayan. ayan na sa mukha ko. pero ndi ko masyado nagustuhan. mahirap naman talaga eh. aaminin ko na mahirap talaga ang unang taon ko. lalo na sa course ko. isinusuka ko na nun. sobrang demanding. ndi na nga ako umeffort. sabi ko nalan, kun dito talaga ako dito. sinasabi ko to para ipakita kung gaano ako nasusuklam dati. pero, marami talaga akong natutunan eh. mula sa mga bagay na ginagawa ko dati na ndi ko na ginagawa, mga ndi ko ginagawa dati na ginagawa ko na, sa mga bagay na ginagawa ko dati at lalo ko pang ginagawa. okay lan. ndi ko naman masisisi sarili ko. eh para lan akong hamster sa isang experiment na kelangan magadopt. kundi, papalpak. ang tanong, kung tama ba ang adoptation na ginawa ko.

isa sa mga pinagsisisihan ko, sana, first day palang, nagingay na ako ng bonggang bongga. just like what i always do. wala lan. un ung isang bagay na tingin ko, nagpabago sana sa lahat. SANA. SANA. SANA. in my dreams.

**TO BE CONTINUED.. **


Posted at 9:24:40 pm by kriech
may sasabihin ka? dito oh.  

Friday, September 01, 2006
intrams '06

Simula kahapon at kanina ay ginanap ang aming huling intrams sa aming eswelahan.. masaya, malungkot.. sa lahat-lahat -- enjoy! haha.. ^__^

in-charge kami sa marriage booth eh.. nag-volunteer ako.  exciting.. isa ko sa mga habol girls eh. ^__^ ang hirap, grabe! merong iba walang reaction [tulad ni marlo] merong iba, sa sobrang ka-wild-an hinayaan na namin.. merong kapalit ng 5 pesos.. merong nadadaan sa sobrang masinsinang usapan.. [mga lagpas 5 mins.] merong iba na ang hirap pakisamahan... pero shempre, kailangan magpasensha! karamihan natural, umaayaw! pero, konti lang ung pinapalampas namin.. ehehe.. nakakapagod pero, pagnakita mo ung mga taong "kinakasal", nakakatuwa! hehehe.. ^__^

and shempre, kahit na in-charge ako sa marriage booth, hindi ako nakalusot! haha.. nabiktima rin ako... although si isabel nagsabi non.. ok lang.. haha! sana nga di nalang ako nagrefuse from the start palang.. kase, di naman siya umayaw eh! ang sa'kin lang, nakakahiya sa kanya! at may isa pa! nablind date din ako!  heller! hindi yun blind date sakin! kilala ko kung sino siya eh.. siya hinde! haha... >___< ^___^ gulat ako kase, manghuhuli ako tapos ako ung nahule! haha.. masaya.. masaya.. *the start of somethin' new...* haha.. ^__^

ang sad lang talaga kase last ko na to.. LAST ko nang INTRAMS sa HIGH SCHOOL! ang sad.. ang sad talaga.. pero, kelangan tanggapin. kaya nga inenjoy ko na eh! ^__^

hmm.. pano, update ko nalang uli! ^__^ ingats...


Posted at 8:59:11 pm by kriech
may sasabihin ka? dito oh.  

Saturday, August 19, 2006
mahabang weekend to..

hay.. kaarawan ng minamahal na ama ng asawa ni james yap sa monday kaya walang pasok.. hmm.. di ko alam kung ayus lang ba yon o ano, kase meron akong isang taong gustong kausapin ng personal.. wala lang..

niyaya ako ni bry na sumali sa banda nila eh, kaso, di pa ko sigurado..

tapos na ang mga project! sa wakas! haha..

nakachat ko nga pala si Kuya L ( Kuyael ) ambaet grabe! ehehe.. may bago sila album! "transit" launching sa september 8.. asa naman na makakapunta ko, pero, try parin..

sa kabila ng lahat, haler pa rin ako! at shempre, tinatawag ko ang sarili ko na spongee! ^__^

hmm.. pano, ang ikli ng post ko no? hindi detailed eh.. ^___^

ge. ingats..


Posted at 8:28:59 pm by kriech
may sasabihin ka? dito oh.  

Saturday, August 12, 2006
child stress

whoa.. long time no post nanaman ako.. haha.. ang daming nagdaan at may monday pang dapat harapin..

nung aug 5, hmm.. sabado last week, nagtest ako sa up. upcat. ung nireview ko nung bakasyon. kaso, pakiramdam ko, di rin ako papasa kase naman no, hindi ako masyado nagreview at parang ayoko na rin don. parang ang gulu-gulo don.. hmm.. lalo na daw sa diliman. siyempre, hindi ko naman dapat na basta-basta baliwalain yung mga sinasabi ng tao di ba.. sa totoo lang, madali lang ung test, kaso lang, hindi ako masyado nagreview.. haha.. ok lang.. kaso, ang masakit non, madali na nga ung test, hindi ko pa ipinasa. sakit di ba? haha.. pero, ok lang.. di ko lang alam kung saan na ko pupulutin. hahaha.

after nung upcat, nung gabe, umuwi kame sa liliw kase, lungkasan ng tito ko, ayun. ok lang.. kaso, hindi ako nakapagsimba. hmm..

tapos, nung monday na kami naka-uwe, eh late na ko, muntik na ko maclose gate! sa totoo lang, late na ko talaga non.. naawa lang sila.. hehe..

last wednesday, thursday, friday nag periodical kame. ok lang. ang pinakamahirap na test?! CAT! haha.. di ako nagreview don eh, as in. hehe.. pinakamadali, unified math. pang first year ung test, as in! haha.. calculus, as usual, mahirap din.. ma'am karen talaga. haha.

and sa monday? pasahan ng sandamakmak na project! ung mouse trap slash race car namin on the spot na namin gagawin. hehe.. takut ako, ako may pakana nun eh. baka pumalpak! haha... ^_____^ aw.

oh pano, magdadye lang ako ng buhok.. ge.. ^__^

 

 


Posted at 2:51:40 pm by kriech
may sasabihin ka? dito oh.  

Friday, July 21, 2006
long time no post..

grabe.. tagal ko na hindi nakakapagpost ah.. haha.. hindi rin siguro dahil busy kase nakakahanap naman ako ng oras para makapagpost sa forums sa cjb.net.. pero, marami na nangyare! [tagal ko ba naman hindi nagkwento eh ]

nga pala, close gate ako ngayon.. laging alanganin ung oras ng pagpasok ko pero, nakakaabot parin, ngayon, hindi na ko nakalusot! di bale, hindi lang naman ako eh. haha.. talagang "there's always a first time"... hehe..

hmm.. ang pinakabagong nangyare sa'kin at pinakamasaklap [so far] eh nung naiwan ko ung bag ko sa tricycle.. [saklap di ba..] well.. anu ba magagawa ko, sadyang wala ako sa sarili.. mga laman non?

---->wallet
~pera [P570]
~2 tom's world tokens
~pics [mga paborito ko! group pix, solo pix, 1x1s and 2x2s]
~discount card na galing kay irish sa just gift
---->calculator
---->D.A.B. [difficulty assessment bank: corrections ng mga mali sa quizzes sa calculus]
---->pad papers [1/4, crosswise, lengthwise, 1 whole]
---->journal ng TM
---->letter-an namin ni mara
---->baunan
---->thickler sa CAT [pati merit card na walang laman]
---->quiz notebook sa eco.
---->ballpen [g-tec 0.4, pilot red ballpen]
---->scotch tape, eraser, sharpener
---->hairnet
---->at higit sa lahat -- ang bag ko mismo! cute non no!

hay.. wala nang pag-asang ibabalik un sa'kin no.. bahala na si God sa kanya.. hay.. hindi ko yon iniyakan.. pero, basta. haha.. ^____^

pano, un muna.. ingats!


Posted at 10:54:36 am by kriech
may sasabihin ka? dito oh.  

Saturday, June 24, 2006
ang unang tatlong linggo ng aking huling taon..

sa munsci! my gash. hindi pa ko mamamatay no. naisip ko lang, ang dami palang memories ng skul na yon. shempre, 4 na taon din yon. and halos 17 hours kami andon araw-araw. minsan, pati sabado.. kung may bayad lang kame, mayaman na ang lahat ng studyante sa'min! haha. ang sama ko, public na nga yon eh.. pero hindi lang kame isang ordinaryong at pampublikong eskwelahan.. and dami-daming gagawin.. kung anu-ano.. assignments, recitations, project, reports, research papers, quizzes, practices, cummulative/summative tests, periodical tests, achievement test, at kung anu-ano pa. dun ka matututo kung paano magbudget ng oras dahil sa dami ng ginagawa.. pero, tinuruan din kami non para magcram! haha. natuto kame kung paano harapin ang sandamakmak na pressure.. at higit sa lahat, natutunan namin kung paano mag-enjoy, sa kabila ng tambak na gawain! hehe. masaya. un lang ang masasabi ko. masaya...

ung unang tatlong linggo ko? ayos lang.. sa pangatlong pagkakataon [kahit appointed lang ako ngayon] treasurer nanaman ako!! waa. masasabi ko na medyo sanay na ko sa trabahong to. pero, minsan nakakapagod din no. oo kaya. shempre, singil dito, singil don. kadalasan, ikaw pa ung maghahabol sa kanila kase, sa huli, ikaw din ung mahihirapan. hay. pero kahit papano, nakakaya naman. hehe. masaya ako dahil teacher namin sa calculus si ma'am caren. magaling yun eh. kaya sigurado matuto ako. limang teacher ko nung third year yung teacher ko ulit ngayon. ma'am caren, sir alfaro, ms. ynna, ms. rixada at ms. ivy. ok lang. hehe. yung mga bagong teacher ko, mababaet naman. tulad ni sir pao, kahit na mejo kilala ko na siya dati tulad ni ma'am cla, si ma'am aladeza, sir soberano, at ms. gonzaga. si ma'am jaso, 1st yr ko pa siya naging teacher, ngayon, physics na. ayon. dalawang bagay lang ang ikinasasama ng loob ko sa room namin... 1) dahil isa lang ang pinto at; 2) dahil isa lang ang electric fan!!! asar. sobrang init! huwaa.. ayon. adviser namin? si ms. palean. ayoko magsalita..

sa mga klasmeyts ko, so far, wala pang mali. pero, hindi ko pa nakakabond lahat. nahihirapan ako eh.. hay. hopefully maging maayos lahat! waa..

pano. babalitaan nalang kita kung may kakaibang mangyayare.. pano.. ingats!

 

 


Posted at 8:34:06 pm by kriech
may sasabihin ka? dito oh.  

Sunday, June 04, 2006
congrats princess kim!

hay. grabe. may pasok na kame bukas! teka.. hindi pa nga ako sigurado eh. hahaha. ewan ko. tatawag nalang ako sa kung sino ang pedeng tawagan! haha.. ^___^

kahapon nga pala eh nalaman na kung sino yung teen big winner sa pbb.. and hindi na ako nagtataka kung bakit siya nanalo no. madami talaga siya fans eh... siyempre si clare!! ha? ano? hindi ba? akala ko siya.. eh sino? si kim? ahh. ok.. anyways, deserving din siya manalo.. talented, maganda, mabaet, matalino.. lahat ng hahanapin mo.. and matatag siya talaga.. kaso nga lang, nung big four nalang sila, nakita ko na parang favorite siya talaga ni kuya. basta. kakaiba nga eh.. at saka, ang laki ng pinagkaiba ng ibang edition dun sa ngayon, wala halos pahirap.. unfair pero, ganon talaga, nag-iiba.. haha. tama na nga... nakakuha ng ika-apat na pwesto si ate clare, 3rd si gerald at 2nd naman si mikee...

[*sings* "sa lahat ng luha lagi kang may kasama..."]

maikli lang post ko ngayon, basta, igood luck mo ko para bukas! kinakabahan ako, natatakot, and excited.. kinakabahan kase hindi ko alam kung ano mangyayare.. clueless.. natatakot kase, yung mga teacher hindi ko alam kung sino sila... and excited kase, makikita ko na mga kaibigan ko!!! woo-hoo! wee.. ^__^

pano, un muna.. ingats..  hay. grabe. may pasok na kame bukas! teka.. hindi pa nga ako sigurado eh. hahaha. ewan ko. tatawag nalang ako sa kung sino ang pedeng tawagan! haha.. ^___^

kahapon nga pala eh nalaman na kung sino yung teen big winner sa pbb.. and hindi na ako nagtataka kung bakit siya nanalo no. madami talaga siya fans eh... siyempre si clare!! ha? ano? hindi ba? akala ko siya.. eh sino? si kim? ahh. ok.. anyways, deserving din siya manalo.. talented, maganda, mabaet, matalino.. lahat ng hahanapin mo.. and matatag siya talaga.. kaso nga lang, nung big four nalang sila, nakita ko na parang favorite siya talaga ni kuya. basta. kakaiba nga eh.. at saka, ang laki ng pinagkaiba ng ibang edition dun sa ngayon, wala halos pahirap.. unfair pero, ganon talaga, nag-iiba.. haha. tama na nga...

maikli lang post ko ngayon, basta, igood luck mo ko para bukas! kinakabahan ako, natatakot, and excited.. kinakabahan kase hindi ko alam kung ano mangyayare.. clueless.. natatakot kase, yung mga teacher hindi ko alam kung sino sila... and excited kase, makikita ko na mga kaibigan ko!!! woo-hoo! wee.. ^__^

pano, un muna.. ingats.. 


Posted at 8:37:31 pm by kriech
may sasabihin ka? dito oh.  

Sunday, May 28, 2006
'aso'phobia.

hay. grabe. hindi ko pa alam kung ano yung tamang term dyan. hindi naman ako ganon katakot sa aso eversince. pero, kahapon, pangalawang beses na akong hinabol ng aso!

hindi ko pa rin talaga sila maintindihan. kahit na lumaki akong may kasama nang aso, na nagtulak sa kin para makahiligan na ito, marami pa rin talaga akong hindi naiintindihan sa kanila. marami na kong naging alagang aso, simula kay choo-choo. milky. paket. simba. kiara. muffasa. nala. buttercup. bubble. blossom. ruffles. fernando jose. dynamite [a.k.a. dyno]. at sa ngayon, si muning. yan lang yung mga natatandaan ko, pero meron pang iba na hindi masyado tumagal sa amin. meron sa kanilang ibinenta dahil gustong idispose. merong nakatikim ng gulong ng sasakyan namin. merong nagkahepatitis. merong kusa nalang namatay sa di malamang kadahilanan. at karamihan, ipinamigay. meron akong iniyakan, at kakaunti lang yung wala akong pakialam. pero hindi maitatangging mahilig talaga ako sa aso. ang hindi ko lang matanggap eh bakit, hinahabol pa rin ako.

nung una akong hinabol, hindi naman talaga hinabol pero, napagtripan nila ako. ang tahi-tahimik kong naglalakad nang napadaan ako sa isang kalye na wala na akong ibang dadaanan na nagkalat ang isang lahi ng mga aso. ayon. dahil naisip ko na baka hindi nila ako anuhin, tumuloy ako sa paglalakad, pero kabaliktaran nangyari. pagdaan ko, napansin ako ng isang aso hanggang sa napansin na nila akong lahat. at wala akong nagawa kundi tumigil at tumili. parang nakikipagduet yung tahol nila sa sigaw ko. i was just covering my ears habang nagtititili don. hay. grabe. at that moment, inexpect ko na na kakagatin ako, pero thank god, hindi pa. hay. buti nalang at nagsawa sila sa kakatahol nila at tinantanan din ako. sobra yon. hurmph.

yung kahapon, taimtim nanaman akong naglalakad papunta sa bahay nila ma'am cla. nung dumating na ko sa street nila, may isang aso na kakaiba kung makatingin. nung nadaanan ko siya, sinundan niya ko hanggang mga 1 meter dun sa bahay nila ma'm. nung makarating ako dun sa gate, aba, tinatanaw pa rin ako! hanggang nagstay ako sa bahay nila mga 10 mins. andun pa rin siya! pag-alis ko, napansin siguro ni mr.lacambra, kase aso ata nila yon, na sinusundan ako nung aso, sinistitan niya, nung mga panahon na iyon, naglalakad palang siya eh, tapos, umalis ung aso. nung medyo, malayu-layo na ako, but in the same street, narinig ko yung tahol nung aso! nung nilingon ko, tumatakbo na siya papunta sa direction ko! habang nararamdaman ko yung mga paa niyang tumatakbo, timigil ako, with my two hands on my neck. wow. for the second time around, inexpect ko na na makakagat na ko this time, pero, again, salamat dahil hindi pa.. tinuloy ko yung paglalakad habang naririnig pa rin ang bawat hakbang ng kanyang mga paa. grabe. i want to break down and cry. pero.. yoko nga. sobra talaga yung nangyari. at kahit na natapos na ang mahaba-habang lakaran na tinahak ko, at nakarating na ko sa lugar na alam kong safe ako - sa bahay namin, eh nangangatog parin talaga ako! grabe yon..

siguro, hindi ko na hihintayin na mangyari pa ulit yon sa'kin, dahil hihimatayin na talaga ako. hindi ko na hihintayin na makagat pa ko ng aso. ayoko nga maturukan ng maraming beses. gastos pa.. iiwas na ko. grabe talaga.. ayoko nang makikita ng asong tumatakbo! i will just make me freak out! wa.. wa talaga.

moral lesson: kahit sa tingin mo eh marami ka nang alam tungkol sa isang bagay, at kilala mo na sila, there are just some things na hindi mo pa rin naiintindihan.. there are too many things na hindi mo pa rin maiintindihan. at yon ang nagpapahirap sa buhay..

ayoko talagang matakot sa aso. it will just make me a weaker person. i will not allow that, pero, kailangan pa ring umiwas...

 pano. un muna.


naniniwala ang ako na lahat ng tao ay kayang umintindi, kadalasan ay nagpapadala lang ang mga tayo sa ating emosyon at pansariling intensyon.. naniniwala ang ako na lahat ng masasamang bagay ay bunga ng pag-iisip sa sariling kapakanan.


Posted at 8:52:05 pm by kriech
may sasabihin ka? dito oh.  

Saturday, May 27, 2006
pbb*teen.ed.* - big four.

hay. grabe. nanonood ako ngayon ng pbb - final eviction. sa ngayon, ang nakakapasok na eh sina kim, mikee, at ate clare.  grabe... yung dalawang gusto kong pumasok, wala pa rin! sina jamilla at gerald! hindi katanggap-tanggap. ayan na! iniaanounce na! MY GOSH!!! pasok si gerald! yahoo! woo-hoo! ^_______________________^

yehey! masaya na ku! pero, si jam, hindi pasok.. sad. siya pa man din yung pambato ko para maging  big winner. huhu. sad talaga. hay. sayang. cute pa man din ni baby miggy. kailangan talaga ni jamilla ng money. and i don't think ate clare is even deserving for the slot! of course she's not! grr. she has taken away jamilla's chance.. [ngayon lang ako nag-english magsimula nung una kong post!] kainis kase. hmf.

sigurado ako, tuluy-tuloy pa rin ang pagtutulak ni 'kuya' sa 'kimerald'. hindi sa nagseselos ako. [hindi talaga!] kaso, pakiramdam ko, isa na rin siya sa nag-uudyok na magkalapit silang dalawa. unfair yon kay mikee, sa totoo lang. kase parang, sila ni kim yung nauna! parang dati lang, si kim, nagpapakita siya ng signs na parang may feelings din siya para kay mikee. tapos eto namang si rald, lumandi pa, nakitriangle pa kina kim. ayan tuloy. gumulo. hay.

wala akong magawa. gusto ko maglabas ng sama ng loob. eto ang masasabi ko sa kanilang apat.

kim:
isa sa mga cute na chinese na nakita ko. maganda at talented. oo. marunong kumanta, sumayaw, maggitara, at may lahi pa ata ni elastigirl. madalas siya nasasabihan na walang talent. palibhasa ata, tahimik siya at walang kibo. ayan tuloy. bilib ako sa kanya. matapang siya. matibay. ayaw niya ng umiiyak kase bakit ba naman daw siya iiyak, pagkatapos niya malampasan yung mga problema na dumaan sa kanya. para rin kase sa kanya, pag-umiyak ka, isa kang mahina, talo. pero. hindi ako naniniwala don. sabi nga, ang tagumpay eh hindi yan nasusukat kung ilang beses kang nanalo, kung hindi, kung ilang beses mong nakayanang tumayo tuwing nadadapa ka! di ba? so, sa tingin ko, hindi rin makakabuti sa kanya yung pananaw nyang yan. although, nirerespeto ko yon dahil, yun ng paniniwala niya.

mikee:
ang chinoy [chinese na pinoy]. matalino. sobra. sabi nga niya, "magaling lang ako mag-aral pero hindi ako nerd". hehe. hanga ako sa kanya. kung paano niya panindigan ang kanyang paninindigan! kakaiba. bilib ako kung paano niya idefend yung nararamdaman niya. at sa tingin ko hindi siya nakikipagplastikan! *addressed to ate clare* may mga bagay lang talaga sa isang tao na hindi natin maintindihan dahil na rin sa iba ang nakasanayan ng bawat isa. kaya, hindi dapat nanghuhusga agad.. [di ba ate clare?] intindihin muna ang sitwasyon bago tayo magreact... mabalik tayo. si mikee. kahit na medyo showy sya sa nararamdaman niya para kay kim eh wala pa rin yung "presko factor". and kahit na natutukso sila sa isa't isa, wala pa rin yung "laki-ulo factor". and isa yun sa maganda sa kanya. nananatiling nakaapak ang paa sa lupa.

ate clare:
beauty queen. isang totoong morena. isang 'emelda papin fan'. at napakahilig kumanta. well. hindi yon masama no! ako, magsing timbang lang ang hilig ko sa pagkanta at computer. hehe. talaga! o, sha. tama na. balik na tayo kay ate clare. si ate clare. beri responsable! makikita mo sa kanya ang katangian ng isang mature na anak. isang anak na handang gawin lahat makatulong lang sa pamilya. galing no? haha. basta. ayon. ayoko lang talaga sa kanya eh yung sinasabi niya yung nasa isip niya na hindi niya pinipili yung mga salitang ginagamit niya.. i hate it. isang halimbawa ay iyong ginawa niya kay mikee. hindi yon tama. tama ba naman bang sabihan na parang nakikipagplastikan lang si mikee minsan at kakaiba pa makatingin! pero, katulad nga ng nasabi sa itaas. igalang ang paniniwala ng iba. maliban na lamang kung ito ay makakasakit! nasaktan si mikee! kaya foul yon. pero, okay na naman na sila eh. huwag na ungkatin. siguro naman natuto na si ate clare na maging mas maingat sa mga binibitawan niyang salita. para na rin sa kanya yon.

gerald:
ang bisoy [bisayang tisoy]. chich boy. oo. hindi naman niya kasalanan yon eh. sa pananaw ko bilang babae, kasalanan din namin yon. kase, kung hindi namin sila nagugustuhan, kung hindi kame nagpapa-attract, hindi sila magiging chick boy. kaya clear yon. ^___^ pero kahit na.. hawak pa rin niya ang title na 'chick boy'. haha. ang taong may puntong amerikanong bisaya na minsan nahahaluan pa ng pagkachinese at  may expression na , "paree, grabe naman, paree". basta kadalasan may 'paree' sa una't huli. parang panlapi. minsan meron pa sa gitna. yun nga lang sa kanya, sa pagitan ng mga salita, yung panlapi, pagitan ng mga letra. haha. sa kabila pa ng pagkakagusto niya kay kim, umiiral pa rin sa kanya ang pagiging tapat na kaibigan kay mikee. iniisip niya pa rin kung ano ang maaring maramdaman nito. at sa tingin ko, normal lang yon sa magkaibigan na nagkakagusto sa iisang babae. hindi sila makasarili. paborito niya talaga ang don romantiko ni vhong navarro. haha.

ayon. yung mga nasa taas. opinyon ko lang yon at opinyon ko lang. wala akong nais na ipahiwatig na kahit anong masama. gusto ko lang magsalita. yun lang. basta nag-eenjoy ako na panoorin sila dahil sa tingin ko ay totoo naman yung natirang anim ay talagang totoo sa sarili nila. nagagandahan din ako sa kombinasyon nila sa mga teen ngayon. orihinal ang storya ng buhay nila. hindi nakakasawa. kung baga sa ulam, iba-ibang putahe. hehe. ^______^

haha. pano. dito muna.. pag-iisipan ko muna kung sino susuportahan ko para manalo. ingats.


Posted at 8:50:55 pm by kriech
may sasabihin ka? dito oh.  

Next Page

   




KRIECH

ako ba? gusto ko lahat ng bagay, naiintindihan ko... kahit karamihan dito, makakasakit sa'ken. para rin sa'kin kasi kahit na naiintindihan mo ang isang bagay, hindi ibig sabihin non, magpaparaya ka na.. hindi ibig sabihin non, papayag ka na. mapride na kung mapride. pero, hindi ko naman yon gagawin kung wala akong katwiran eh. paninindigan ko ang alam kong tama..

isa sa pinakaayokong gawin? magsisisi.. magregret.. baket? kase wala na naman magagawa eh.. hindi na maibabalik ang isang bagay na nawala na.. kung maibabalik man, sobrang hirap na.. pag may nangyari sa'kin.. ayan nangyare tapos wala na.. ayoko ng nagmumukmok sa isang tabi.. ayoko na iniiyakan ang isang bagay.. bat pa.. wala rin yon magagawa.. para sa'kin, may mangyari man, life must go on.. kaya nga tuluy-tuloy lang ang pag-ikot ng mundo eh, para sabayan din natin.. anu man mangyare, people must move on.. pakiramdam ko meron pang kulang sa'kin. hindi ko alam kung ano yon. siguro dahil bata pa ako. pero, hindi ako makontento. kahit sa tingin ko, meron naman akong mga mapagkakatiwalaang kaibigan at mabuting pamliya. pakiramdam ko, may kulang pa rin... [kuya Gerald A. , ikaw ba yan?] haha. pero, seryoso. hindi ko alam. and iyon ang misyon ko sa buhay ngayon, hanapin ang bagay na hindi ko mahanap. mahirap, oo. dahil hindi ko alam kung paano ko iyon tutuklasin.. hindi ko alam kung saan magsisimula.. ni hindi ko nga alam kung ano yon, pero, alam ko, balang araw, mahahanap ko rin iyon..


If you want to be updated on this weblog Enter your email here:



rss feed